Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH

Ang Filipino ng "Blog" ay "Tagta."

Blog EntryApr 2, '09 9:54 AM
for everyone
*Dahil sa paulit-ulit na pagdinig ng "The Triumph of a Magnificent Failure" sa Conscience talk ni Ser Jampao tuwing leadsem (mga 3 beses na ata, isama mo pa yung 1st year namin kay Lolo Onofre), at dahil siyempre nagagandahan pa rin ako pag binabasa niya sa amin, sinubok kong isalin ito. :> Sinuman, bigyang-puna niyo kung may gusto/ayaw kayong isinalin kong bahagi. Medyo may dinaya ako diyan...("take liberties" sa inggles), kasi ang hiiiiirap ikutan. Pero di naman maiiwasan yun sa pagsalin e. May tinatawag na "fidelity" at "creativity" sa pagsasalin na parehong binabalanse ng mananalin kasi inverse proportion sila; 'ibawas niyo na lang sa "fidelity" ko ;). FYI magkabaliktad kasi ang sentence pattern ng English at ng Filipino, kaya lagi kang may binabali-baliktad sa mga pangungusap.***




Ang Tagumpay ng Kagila-gilalas na Kabiguan
ni Kung-sino Man,
salin ni Kebong Catbagan


Ito ay kuwentong milyong beses nang ibinahagi, ngunit hinding-hindi naluluma sa pagkakaulit.

Siya’y anak ng isang dalagang pesante, isinilang sa isang maginaw na gabi sa kwebang tinirhan ng mga hayop, sa isang bayang malayo sa kabihasnan. Ang bana ng ina niya’y ni hindi niya ama, subalit kinupkop siya nito, tinuruan ng pagkakarpintero, at nanatiling lihim nang tatlumpung taon.

At sa loob ng tatlong maiigsing taon, naglagalag siyang mangangaral. Ni minsan hindi siya nagsulat ng libro, ni nahalal o naluklok sa posisyon. Ni nagkolehiyo, ni dumayo sa malaking lunsod, ni gumala nang kahit ilang milyang layo mula sa pinagsilangan niya. Hindi siya nagkasal, ni nagkaanak, ni nagkabahay, ni nagnegosyo’t nagpayaman. Hindi niya ginawa ang kadalasang ginagawa ng sinumang dakila.

Siya’y mahirap at kinumuhian, ngunit mabuti, maamo at matuwid naman. Nag-uumapaw siya sa mga kaisipan, mga kay tatayog na kaisipang nagbantang magpataob ng imperyo, mga kaisipang babago sa balat ng mundo.

Siya nga’y tunay na rebolusyonaryo. Sa isang banda, katulad niya ang mga komunista, dahil nilayon niyang makibahagi ang lahat sa yaman ng mundo. Ngunit kaiba sa kanila, hindi niya sinabing, “Anumang inyo, ay akin na!” Bagkus ang sabi niya’y, “Anumang akin, ay inyo na!”

Dahil sa kanyang pang-uudyok, kinasuklaman siya ng mga mayaman at makapangyarihan. Ipinatapon siya sa labas ng kanilang mga lunsod. Ginulpi siya’t inalipusta, at pinahuli naman ang kanyang mga kaibigan.

Sa wakas, inaresto rin siya. Pinagtaksilan siya ng isang kaibigan at pinabayaan naman siya ng iba pa. Dumaan siya sa panghahamak ng isang paglilitis.

Pinagdusa siya ng kanyang mga kaaway, at nang magsawa roon, pinapatay lang nang tila karaniwang kriminal. Habang siya’y nakabayubay, pinagsugalan pa ng kanyang mga berdugo ang kaisa-isang ari-arian niya sa lupa, na siyang kanyang gula-gulanit na damit. At nang mamatay, ihinimlay sa isang hiram na libingan, sa habag ng isang kaibigan.

Siya ba’y isang kabiguan, itong taong tinatawag nilang si Hesukristo?

Hindi pa riyan nagwawakas ang kuwento.

Halos dalawanlibong taon na ang lumipas, subalit tanang hukbong nagsipagmartsa’t nagsipaglayag, tanang digmaang inilaban, tanang kasunduang pinirmahan, tanang batasang nagsiupo, tanang hari’t emperador at dakilang pinunong namahala't namalakad, pagsamahin mang lahat, ay magwawaring alikabok lamang sa tabi ng waring bundok na nagawa nitong pulubing pinanganak sa pagkakakubli at namatay na isang kabiguan.

Nang siya’y mamatay, ang mga kaisipan niya’y nagpataob mismo ng mga imperyo, bumago mismo sa balat ng mundo. At kahit ngayon, ang boses niya’y umaalingawngaw sa bawat bansa, sa bawat lunsod, sa puso ng bawat tao.

Kung kaya kayong namimilipit sa pait at poot ng lupig na layunin, nawa’y magbuhat mula sa huling tagumpay ng isang Kagila-gilalas na Kabiguan.



~~~~~~

At ang Inggles:

The Triumph of a Magnificent Failure
(Anonymous)


It is a story that has been told millions of times before, but never grows old in the retelling.

He was the son of a young peasant woman, born on a wintry night in a cave where animals were kept, in a village far from civilization. The husband of his mother was not even his father, yet he was accepted as a son and taught a carpenter's trade, and worked in obscurity for thirty years.

Then for three short years he was a wandering preacher. He never wrote a book, nor was he ever appointed or elected to an office. Nor did he go to college, nor traveled to a big city, nor wandered more than a few kilometers from where he was born. He was never married, nor did he sire children, nor did he own a house, nor did he ever go into business and make money. He did none of the things a great man usually does.

He was poor and despised, but he was good and gentle and just. He was full of ideas, great ideas that threatened to topple an empire, ideas that were to change the face of the earth.


He was a real revolutionary. He was like the communists in a certain sense, in that he wanted everyone to have a share in the wealth of the world. But unlike the communists, he did not say "What is yours, is mine!" He said, "What is mine, is yours!"


Because he was an agitator, he incurred the disfavor of men of great wealth and political power. They drove him out of their cities. They beat him up and called him a fool, and set the police on his friends.

Finally, they arrested him. A friend betrayed him. The rest of his friends deserted him. And he went through the mockery of a trial.

His enemies tortured him, and when they got tired of doing that, they sent him to die like a common criminal. While he was dying, his executioners gambled for the only piece of property he had on earth and that was his tattered robe. And when he died, he was buried in a borrowed grave through the pity of a friend.

Was he a failure, this man they called Jesus Christ?


The story does not end there.

Almost two thousand years have come and gone, yet all the armies that ever marched, all the navies that ever sailed, all the wars that were ever fought, all the treaties that were ever signed, all the parliaments that ever sat, all the kings and emperors and great leaders that ever reigned and ruled, all put together, have not affected the life of Man on this earth as much as this poor wretch who was born in obscurity and died a failure.

After he died, his ideas did topple empire, did change the face of the earth. And even now his influence is felt in every nation, in every city, in the heart of every man.


Those of us who feel the bitterness and frustration of a lost cause should take heart from the final triumph of such a Magnificent Failure.


~~~~~~~


**Tingin ko talaga si Mr. Pagsi nagsulat nito e. Siyempre pag nilagay niyang by Onofre Pagsanghan sa sarili niyang libro, Reaching Out, e mukha naman siyang kupal nun. Parang si Ser Ron nung binabahagi niya yung "Putahe" sa amin, wala siyang sinabing may-akda. Tas nung nilapitan ko, kasi gandang-ganda ako, sabi niya siya raw. Inamin niyang di niya lang sinabi kasi nga magmumukha siyang kupal nun. Tas isa pa, i-search niyo sa Google, walang lalabas. Dapat naman kasi diba, sa ganda ba naman nito, sikat na (parang happy birthday song, wala namang may-ari, pero sikat). Ang makukuha mo lang, multiply site ng kung sino na hindi pa ma-gets yung italicization sa "did".

***Ang sentence pattern kasi ng Inggles ay subject-verb-object (SVO) e ang Filipino VSO o VOS. Kunwari,

"Mr. Pagsi (S)     eats (V)     bananae (O)     everyday."      kumpara sa
"Kumakain (V)     ng sagings (O)     si G. Pagsi (S)     araw-araw."

****Ngayong summer, gusto ko mag-super salin project: Magsasalin ako ng buong nobela! @-) Norwegian Wood :> huhoo! Hindi naman siya in-vain kasi lab story siya e so kung sakaling basahin ng Pilipino e kilig sila diba?

33 Comments
minumultiply wrote on Apr 2, '09
putek bong-bong... nakaka-nosebleed
pero either way...
apir IDOL!!
tsibog wrote on Apr 2, '09
Whoo! \m/
orionmax wrote on Apr 2, '09
I remember this. The way he said it was woah, too. Memories..
barchx wrote on Apr 2, '09
idol @-)
angpintigngpusoko wrote on Apr 2, '09
Ang tagal na nito. First year. At, salamat sa pagpapaalala! :)
kebongkalbu wrote on Apr 2, '09
I remember this. The way he said it was woah, too. Memories..
Elibs no? Di ka magsasawa e...:P
kebongkalbu wrote on Apr 2, '09
Ang tagal na nito. First year. At, salamat sa pagpapaalala! :)
Haha kaya nga e... 1st year pa nung 4th year kayo...tas kami na ngayon yung 4th year! :O Dapat mong marinig si ser jamps bigkasin to grabe @-)
angpintigngpusoko wrote on Apr 2, '09
Haha kaya nga e... 1st year pa nung 4th year kayo...tas kami na ngayon yung 4th year! :O Dapat mong marinig si ser jamps bigkasin to grabe @-)
Basahin niya dapat yung Filipino. Mas nakakaantig. (Naks!)
kebongkalbu wrote on Apr 2, '09
Basahin niya dapat yung Filipino. Mas nakakaantig. (Naks!)
waw talaga? salamat a! :) (ayoko nang isiping binobola lang ako...para tumaas self-esteem!!!) =))
angpintigngpusoko wrote on Apr 2, '09, edited on Apr 2, '09
waw talaga? salamat a! :) (ayoko nang isiping binobola lang ako...para tumaas self-esteem!!!) =))
Alam mo, iba kasi pag binasa mo ang orihinal kasi inaral natin iyun sa English. Pero, kapag naintindihan mo na at binasa mo ang Filipino, makikita mong mas malalim pa iyon, lumalim hindi lamang dahil malalim ang orihinal, kung hindi dahil sinamahan ito ng lalim ng taong nagsalin na nauna nang nabasa at naunawaan ito.
neooooo wrote on Apr 2, '09
nostalgia atak @-) =))
kebongkalbu wrote on Apr 2, '09
Mmm gets ko na. Salamat talaga rolly! :>
kebongkalbu wrote on Apr 2, '09
neooooo said
nostalgia atak @-) =))
Kaya nga e..isa to sa mga favorite niya e...:> kasama yung the other wise man (na muntikan na siyang umiyak)...heheh :>

Napapa-"atak" ka na rin a.../:) =)) say say say! hahah
angpintigngpusoko wrote on Apr 2, '09
Mmm gets ko na. Salamat talaga rolly! :>
Haha walang anuman! (Wag mo ako tularan, may exam ako bukas pero, heto ako, nagmu-Multiply haha) =P
wackymindtheduck wrote on Apr 2, '09
Ang galing. @-) Sobrang hanga ako sa'yo (sa marami pang aspeto---totoo 'yun). Baka, sa susunod, yung reflection naman ni Ser Jampao yung pwedeng isalin mo. :)) Joke lang. :D

Grabe, freshies pa tayo noon, a. Ngayon, seniors na. D: Talaga bang tatlo hanggang apat na taon na 'yung kwentong ito para sa atin? Parang kahapon lang. :(
kebongkalbu wrote on Apr 2, '09
hihihi salamat ;)) --Kaya nga e no, wacky? Nakakamis na rin si Pagsi e, yung galing niya. O_O si bok rin pati si papa shih
wackymindtheduck wrote on Apr 3, '09
hihihi salamat ;)) --Kaya nga e no, wacky? Nakakamis na rin si Pagsi e, yung galing niya. O_O si bok rin pati si papa shih
Masasabi ko na sa tatlong taon ko sa Mataas na Paaralan ng Ateneo, pinakagusto ko ang mga guro natin sa unang taon. Magaling din naman ang ating ibang guro sa ibang taon (Pinakapaborito ko sa nakaraang taon, halimbawa, sina G. Miranda at G. Capinding at pati na rin si Gng. Lacsamana) ngunit 'tulad ng "ensemble cast" sa isang pelikula, ang galing pa rin ng lahat ng ating guro sa 1A, kung pinagsamahan mo sila. :D Lalo na sina G. Pagsi, G. Shih at G. Pioquid. At si Bb. Solmerin. \m/ Haha.
kebongkalbu wrote on Apr 3, '09
kaya nga e patalo kasi si bad horse this year e. =))
neooooo wrote on Apr 3, '09
Napapa-"atak" ka na rin a.../:) =)) say say say! hahah
sa blog mo lang =))
campoutcarl wrote on Apr 3, '09
Di si sir nagsulat niyan. Si Dela Costa ata :))
minumultiply wrote on Apr 3, '09
shat up atak
mas cool kung si Kung-sino man
jantwentyseven wrote on Apr 3, '09
gusto ko makita yung noblela @-)
craymiranda wrote on Apr 3, '09
Is the guy still teaching?
Grabe... Nostalgia... And what's this Jollibee nadsfil thing? =))
kebongkalbu wrote on Apr 4, '09, edited on Apr 4, '09
Di si sir nagsulat niyan. Si Dela Costa ata :))
Hahha ok so hindi pala :)) Anyways koya :))Close enough..Idol ni pagsi yun e :))
kebongkalbu wrote on Apr 4, '09
Is the guy still teaching?
Grabe... Nostalgia... And what's this Jollibee nadsfil thing? =))
Yes! diba nga hanggang mapa-"et tu brute?" siya in the middle of teaching? :)) tas sobrang clueless ng mga 1A boys hwhahahaha, ibibintang sa kanila.

e di mo na gets ang nadsfil e, canada ka na e. nads'eng ka na e [-( :))
craymiranda wrote on Apr 4, '09
=)) Ha bahala na. :P
guelanoynesh wrote on Apr 4, '09
Kebong, sobrang ganda ng translation na 'to, pare.... imagine mo yung pusok ni Sir Jampao, ta's binabasa 'tong salin mo ---- champion yun pare.
kebongkalbu wrote on Apr 5, '09
Kebong, sobrang ganda ng translation na 'to, pare.... imagine mo yung pusok ni Sir Jampao, ta's binabasa 'tong salin mo ---- champion yun pare.
@-) kaya nga e no (yung si sir jamps a, di yung salin :P) elibs na elibs talaga ako sa bigkas nun! Hahaha salamat pare, 'galing pa sa nakapagsalin na nang buo ng shakespeare! ^:)^

O kumusta, may sinasalin ka na bang iba?

Buti wala na namang kaepalan ni nick sa balarila ko. :P
guelanoynesh wrote on Apr 5, '09
'wag mong pansinin si nick....ang lagi mong ihirit sa kanya pag hiniritan yung balarila mo, "sino ba'ng gumawa ng mga batas na 'yan? Bago mo 'ko atakihin, TUNtuNIN mo muna, bago tunTUnin (galing kay Ser Ron 'yan!)" Hahahaha!

Nagsalin ako ng play ni Harold Pinter, "Mountain Language" (naging "Salitang-bundok"). Gagawin namin sa Teatro, sana manood ka.
kebongkalbu wrote on Apr 5, '09
'wag mong pansinin si nick....ang lagi mong ihirit sa kanya pag hiniritan yung balarila mo, "sino ba'ng gumawa ng mga batas na 'yan? Bago mo 'ko atakihin, TUNtuNIN mo muna, bago tunTUnin (galing kay Ser Ron 'yan!)" Hahahaha!

Nagsalin ako ng play ni Harold Pinter, "Mountain Language" (naging "Salitang-bundok"). Gagawin namin sa Teatro, sana manood ka.
Nice! Hahah. Parang ganyan din punto ko vs. konserbatibo sa ganyan e. Naunang nagka-music kesa music theory!

Uuy siyempre manonood ako! TBT fans ako men :> (kasi at least sa TBT *ehem* laging may bagong material). Ano 'to, kasama sa bungang-araw ninyo pagpasok? :>
guelanoynesh wrote on Apr 5, '09
Bungang-araw yan...marami pang kasamang iba pang salin
iloveracingcars wrote on Apr 22, '09
idol papa kebong!
kebongkalbu wrote on Apr 22, '09
Hwaw papa roland, teynks. ^_^
Add a Comment